International News
Mga gamit nang face masks, nagkalat sa mga beach sa Hong Kong
Nagbabala ang iba’t-ibang environmental groups sa maaaring maging masamang epekto sa marine life at wildlife habitats dahil sa mga nagkalat na face masks. Ang nga nasabing face masks ay gamit na at nakatambak sa mga beach sa Hong Kong.
Halos lahat ng mga mamamayan sa Hong Kong ay gumagamit ng single-use face masks sa panijiwalang makatutulong ito upang makaiwas sa pagkakaroon ng Corona Virus. Sa kasalukuyan, nasa 126 na ang apektado ng nasabing sakit sa Hong Kong, kung saan 3 na ang nasawi.
Sa kagustuhang pangalagaan ang kalusugan, hindi na naisaalang-alang ang tamang pagtapon ng mga gamit ng face masks. Karamihan sa mga kalat na ito ay napadpad na sa mga kanayunan at dalampasigan kung saan maaaring mapagkamalang pagkain ng mga hayop.
Maliban sa mga problemang pangkalikasan, ang mga nagkalat na face masks ay nakadagdag pa sa suliraning kasalukuyang kinahaharap ukol sa Corona Virus, lalo lamang pinalala ng mga nagkalat na face masks ang pagkalat ng virus.
Ayon kay Gary Stokes, founder ng Oceans Asia na isang environmental gtoup, “We only have had masks for the last six to eight weeks, in a massive volume … we are now seeing the effect on the environment.”
Isa sa mga binanggit na lugar ni kung saan nagkalat ang mga gamit nang face masks ay ang Soko Islands ng Hong Kong.
Saad naman ni Laurence McCook, head ng Oceans Conservation ng World Wildlife Fund sa Hong Kong, “Nobody wants to go to the forest and find masks littered everywhere or used masks on the beaches. It is unhygienic and dangerous.”
Dagdag pa ni McCook, “People think they’re protecting themselves but it’s not just about protecting yourselves, you need to protect everybody and by not throwing away the mask properly, it’s very selfish.”
Source: www.reuters.com