Connect with us

International News

Mga hayop na namatay sa wildfires sa Australia, tinatayang nasa 500M na

Published

on

Higit sa kalahating bilyon na ang mga hayop na namatay sa wildfires sa Australia at pinangangambahang mawala ang lahi ng mga ito.

Ayon sa ecologists ng University of Sydney, tinatayang nasa 480 milyon na ang bilang ng mga mammals, ibon at reptiles ang nawala mula pa noong Setyembre kung kailan nagsimula ang mga wildfire sa bansa.

Naabo na rin ang mga kabahayan sa east coast ng Australia na naging sanhi upang ma-stranded ang mga residente at mapilitang magtayo ng bahay sa karagatan.

Hirap ang buong mundo kung paano susukatin ang lawak ng pinsala ng wildfire ng tinaguriang “worst wildfire season on record” ng Australia kung saan makikita ang pagpula ng kalangitan na animo’y nasa isang horror na pelikula.

Ang mga koalas ang higit na naapektuhan dahil mababagal silang kumilos at kumakain ng mga dahon mula sa puno ng eucalyptus at nagiging sanhi ng pagiging “highly inflammable” ng mga ito.

Pinaniniwalaang umakyat na sa 8000 na hayop ang namatay sa nakalipas na apat na buwan.

Sinabi ni Nature Conservation Council ecologist Mark Graham sa mga mambabatas na “so hot and so fast” ang naganap na pagkasunog na may “significant mortality” sa mga hayop, partikular na din sa mga puno.

“There is such a big area now that is still on fire and still burning that we will probably never find the bodies,” dagdag pa niya.

Ayon naman kay Tracy Burgess, nakakapang-alala ang sitwasyon dahil mas mababang bilang ng mga hayop ang nakikita niyang dinadala sa kanyang center para gamutin.

“Our concern is that they don’t come into care because they’re not there anymore, basically,” aniya.

Tumawag na rin ng agarang pagpapatigil sa pangangahoy sa mga native forests sa NSW ang Stand Up for Nature, alyansa ng 13 na organisasyon, hanggat hindi malinaw sa lahat ang epekto ng mga bushfires sa mga hayop at sa mga tinitirahan nito.

Samantala, tutulong na rin ang mga helicopters na maglikas ng nasa 4,000 na kataong stranded sa Mallacoota sa East Gippsland ng Victoria kung saan nakatira sa mga beach ang mga tao at ang pinakamalaking relokasyon mula sa New South Wales South Coast.

Patay pa rin ang linya ng telepono at internet sa ibang isolated na bayan at inabisuhan na rin ang mga tao na magpakulo ng tubig bago ito inumin dahil maaaring hindi na ito ligtas.

Pinayuhan ng mga weather forecasters ang mga tao na maaari muling maging masama ang temperatura na inaasahang aabot sa 46°C na may malalakas na hangin.

Via / Source: remate.ph