International News
Mga Pinoy sa New York dapat manatiling maging “vigilant” kasunod ng Brooklyn subway shooting – PH Consulate General
Ang Philippine Consulate General sa New York ay nagbigay ng pa-alaala sa mga Pilipino doon na manatiling mag-ingat kasunod ng insidente ng pamamaril sa subway sa Brooklyn kung saaan hindi bababa sa 16 ang nasugatan.
Ayon sa mga pulis, nagsuot ng mask ang suspect, nag-deploy ng gas canister at doon siya nagsimula mamaril.
“Several undetonated devices were also found at the scene,” sinabi ng Consulate, batay sa ulat ng CNN Philippines.
“In view of this, kababayan are requested to be vigilant and to take the necessary precautions as the suspect has not yet been apprehended.”
Pinayuhan rin nila ang mga Pilipino na umiwas muna sa 36th Street Station sa Sunset Park dahil sa patuloy na isinasagawang imbestigasyon sa lugar.
Dagdag ng Consulate na mag-ulat ang mga Pilipino sa mga otoridad kung kabilang sila sa mga biktima upang sila’y matulungan.
Sa magkahiwalay na advisory, sinabi ng Consulate na ang suspect ay armado at nanatiling “on the loose,” kung saan patuloy nagsasagawa ng malawakang mobilisasyon ang pulisya.
“Kababayan are advised to report any abandoned packages on subways, bus stops, or public places, especially along the M, R, and other Brooklyn subway lines,” dagdag nila.
Ang pag-atake ay hindi iniimbestigahan bilang isang act of terrorism, ngunit “authorities have not ruled anything out,” sinabi ng New York Police commissioner.
(CNN Philippines)