International News
MGA PINOY SEAMEN NA HINULI SA PERSIAN GULF DAHIL SA OIL SMUGGLING, TINUTUTUKAN NA NG DFA
Mahigpit nang mino-monitor ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga pangyayari sa paghuli at pagkumpiska sa isang tugboat sa Persian Gulf kahapon na may sakay na pitong Filipino crew.
Ayon sa ulat ni Ambassador kay Iran Wilfredo Santos sa DFA, kinumpiska ang tugboat dahil sa diumanoy oil smuggling.
Sumasailalim na sa imbestigasyon ng Coast Guard authorities ang kaso at kapag napatunayang totoo ang alegasyon na oil smuggling, sasampahan na ng kaso sa korte ang mga tripolante kasama ang mga Pinoy.
Sinisikap naman ng embahada ng Pilipinas sa Tehran na makakuha pa ng mga updates sa kaso lalo na sa kundisyon ng mga seafarers at nangako na magbibigay ito ng tulong kung kinakailangan.
By: Rey Ferrer
Source: Radyo Pilipinas | http://www.radyopilipinas.ph/rp-one/articles/politics/mga-pinoy-seamen-na-hinuli-sa-persian-gulf-dahil-sa-oil-smuggling-tinututukan-na-ng-dfa