Connect with us

International News

“Military action could happen any day,” babala ng US sa ongoing feud sa pagitan ng Russia at Ukraine ngunit, may pag-asa pa rin manaig ang diplomasya

Published

on

Ukraine vs Russia

Sa gitna ng “potential threat of military action” ng Russia sa Ukraine, sinabi ng mga US officials na umaasa pa rin sila na mananaig ang diplomasya.

“We believe that there still remains a window to resolve this through dialogue and diplomacy,” sinabi ni State Department spokesman Ned Price sa mga reporters, batay sa ulat ng Agence France-Presse.

Habang sa ulat naman ng CNN World na, ayon kay Kremlin spokesperson Dmitry Peskov, willing mag-negotiate si Russian President Vladimir Putin, dagdag niya na ang krisis sa Ukraine ay isang bahagi lamang ng “larger security concerns” ng Russia.

Sinabi ni Pentagon spokesman John Kirby na “we still don’t believe that some final decision has been made.”

“Military action could happen any day,” dagdag pa niya. “It is entirely possible that he could move with little to no warning.”

China supports Russia’s Invasion

Samantala, binatikos rin ng United States ang China dahil sa kanilang pagsuporta sa plano ng Russia na salakayin ang Ukraine.

Sinabi ni Kirby na “deeply alarming” ang pahayag ng China, sapagkat kahit ang Western world ay nangangamba sa possibleng digmaan na magaganap sa pagitan ng Russia at Ukraine.

“Their (China’s) tacit support, if you will, for Russia is deeply alarming and frankly even more destabilizing to the security situation in Europe,” aniya.

Canada provides aid to Ukraine

Ngayong araw, nagpahayag ang Canada na magbibigay sila ng karagdagang military assistance sa gobyerno ng Ukraine upang makatulong sa pagtatanggol ng Ukrainian security forces laban sa “unwanted and escalating aggression” ng Russia.

Batay sa press release ng Department of National defense ng Canada, mag-dodonate ang bansa ng $7 milyong lethal weapons at assorted support items sa Armed Forces ng Ukraine.

“Canada remains resolute in supporting Ukraine’s sovereignty, territorial integrity, and independence. Canada will continue to work closely with the Ukrainian government and allies in the region to protect Ukraine’s security and economic resilience,” sinabi ni Honourable Mélanie Joly, Minister ng Foreign Affairs.

(Agence France-Presse, CNN world)