Connect with us

International News

MONKEYPOX CASES, INIIMBESTIGAHAN SA EUROPE, US, CANADA AT AUSTRALIA

Published

on

Iniimbestigahan na ngayon ng mga health authorities sa European countries, US, Canada, Australia at UK ang mga kaso ng monkeypox.

Kasunod ito ng kumpirmasyon ng mga naitatalang kaos ng sakit sa US, Spain at Portugal nitong Miyerkules kabilang ang 13 suspected cases sa Canada.

Ang monkeypox ay karaniwan sa ilang bahagi ng Central at West Africa kaya naiuugnay sa bansang ito ang mga kaso sa ibang lugar.

Bihira lang ang nagkakaroon ng ganitong sakit at hindi ito mabilis na nakakahawa sa publiko.

Kabilang sa mga sintomas nito ay rashes, lagnat, sakit sa kalamnan, sakit sa likod, pamamaga at iba pa.

Ang unang kaso ng monkeypox sa UK ay naitala noong May 7. Sinsabing may travel history sa Nigeria ang pasyenteng nakakuha ng virus bago pumunta sa England ayon sa UK Health Security Agency.

Nasa 9 na ngayon ang mga kumpirmadong kaso nito sa UK, hindi pa nakumpirma kung saan nagmula ang mga infections pero ayon sa World Health Organization (WHO) posibleng ito ay “locally acquired”.

Nitong Biyernes, naitala na rin sa Australia ang unang suspected case, isang lalaking nagkasakit mula sa biyahe sa Europe.

Sa Europe, isang kumpirmadong kaso rin ang naitala sa Sweden nitong Huwebes.