Connect with us

International News

MOSQUE SA AFGHANISTAN NIYANIG NG PAGSABOG, 62 KATAO PATAY

Published

on

Niyanig ng pagsabog ang isang mosque sa Afghanistan nitong Biyernes habang nagdadarasal ang mga tao sa loob nito.

Ayon sa provincial governor’s spokesman na si Attaullah Khogyani, 62 katao ang namatay at higit 36 katao naman ang sugatan.

Batay sa otoridad, kabilang umano sa mga namatay ay mga kabataan at mga kalalakihan.

“Both men and children are among those killed and wounded in the attack,” wika ni Khogyani.

Naganap ang nasabing pagsabog sa Haska Mina, mga 30 milya mula sa probinsya ng Jalalabad.

Kinondena naman ng Afghan government ang naganap na pang-aatake.

Ayon sa official Twitter account ni Sediq Sediqqi, spokesman ng Afghan president, Ashraf Ghani, “The Afghan government strongly condemns today’s suicide attack in a mosque in Nangarhar province,” saad nito sa tweet.

“The Taliban and their partners heinous crimes continue to target civilians in time of worship,” aniya.

Samantala, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa nangyaring insidente sa mosque.

Ayon sa mga pulisya, iniimbestigahan pa kung suicide bomber ang nasa likod ng pang-aatake o ibang paraan ang ginamit sa pagpapasabog.