International News
Mt. Nyiragongo ng Africa, sumabog matapos ang 20 taong pananahimik
Sa kabila ng pananahimik nito sa loob ng halos 20 taon, sumabog nitong Sabado, May 23, 2021, ang Mt. Nyiragongo sa Democratic Republic of the Congo, sa Central Africa. Ang Mt. Nyiragongo ay itinuturing na isa sa mga pinaka-aktibong bulkan sa buong mundo.
Dahil sa posibleng pagdaloy ng lava mula sa bulkan, agad na nagsilikas ang mga residente ng karatig lungsod nitong Goma, na matatagpuan sa North Kivu Province ng Eastern Congo.
Taong 2002 ng huling sumabog ang bulkan. Umabot sa humigit kumulang 250 ang mga nasawi, samantalang nasa 120,000 naman ang nawalan ng tirahan dahil sa pyroclastic flow.
Continue Reading