Connect with us

International News

Na-aprubahan na ng ICC ang probe sa War on Drugs sa Pilipinas

Published

on

Na-aprubahan na ng ICC ang probe sa war on drugs ng Pilipinas

Nitong Miyerkules, nagbigay ng pahayag ang International Criminal Court (ICC) na iimbestigahan nila si Pangulong Rodrigo Duterte at ang kanyang “war on drugs” campaign.

Sa isang pahayag, sinabi ng ICC na, “granted” na ng Pre-Trial Chamber ang hiling ng ICC prosecutor na matuloy ang kanilang probe sa war on drugs ng Pilipinas mula Hulyo 2016, noong naupo si Pangulong Duterte, hanggang Marso 16, 2019.

Noong Marso 16,2019 ay yung panahon, kung saan umalis ang Pilipinas sa Rome Statue.

“The Chamber emphasised that, based on the facts as they emerge at the present stage and subject to proper investigation and further analysis, the so-called ‘war on drugs’ campaign cannot be seen as a legitimate law enforcement operation, and the killings neither as legitimate nor as mere excesses in an otherwise legitimate operation,” pahayag ng ICC.

Kabilang din sa probe ang mga “cover killings” sa Davao simula Nobyembre 1, 2011 hanggang Hunyo 30, 2016, noong nagsilbi bilang mayor at vice mayor si Duterte.

Ang request para sa authorization upang imbestigahan ang kaso laban kay Duturte, ay na-file noong June 14, 2020 ni Fatou Bensouda, ang dating ICC chief prosecutor.

Pagdating sa konklusyon, sinabi ng ICC na kinonsidera ng Pre-Trial Chamber ang request ng Prosecutor, at ang mga supporting materials mula sa 204 representation ng mga biktima na natanggap ng chamber.

The Philippines will not cooperate

Ngunit, ngayong Huwebes, sinabi na hindi makikipag-ugnayan ang Pilipinas sa formal investigation ng ICC hinggil sa possibleng crimes against humanity habang isinasagawa ang “war on drugs” sa panahon ni Duterte, ito’y ayon kay presidential legal counsel na si Salvador Panelo.

Sinabi niya rin sa isang panayam sa DZBB, na ang mga ICC investigators, ay hindi papahintulutan pumasok sa bansa upang magsagawa ng probe kahit na-aprubahan na ito ng Pre-Trial Chamber I ng tribunal.

Simula pa noon, sinabi na nang gobyerno na walang jurisdiction ang ICC sa Pangulo at sa war on drugs sapagkat, hindi na kabilang ang bansa sa ICC.

(Source: Inquirer.Net, ABS-CBN News)