International News
Nakamamatay na Temperatura naitala sa buong mundo
Matinding init ang umiiral sa iba’t ibang bahagi ng mundo, partikular sa Texas, hilagang Mexico, India, at China, na umabot ng 120 degrees. Ang mga tinatawag na intense heat domes, na pinapalala pa ng climate change, ang pinagmumulan nito ayon sa mga eksperto.
Ayon sa World Meteorological Organization, ang mga temperature sa mundo nitong unang mga araw ng Hunyo 2023 ay ang pinakamataas na naitala — by a considerable margin — for the time of year. Sinasabi ng mga eksperto sa klima na ang lumalakas na El Niño ay maaaring maging sanhi ng record high na init sa buong mundo sa taong ito.
Sa Texas, lagpas-tatlong linggo silang nakakaranas ng matinding init na lumalampas sa 100 degrees.
Samantala, ang mabagal na simula ng monsoon season sa India ay nagdulot ng matinding heat wave na kumitil ng halos 100 na buhay. Sa China, weeks-long extreme heat wave ang kanilang kinakaharap, habang sa Shanghai ay nakapagtala ng pinakamainit na temperatura ngayong buwan ng Mayo sa loob ng isang daan taon.
Ang makasaysayang heat wave, na iniuugnay ng mga meteorologist sa isang heat dome at sinasabing pinalalakas ng long daylight hours, ay naramdaman sa halos lahat ng Southeast Asia kabilang ang Thailand, Cambodia, Laos at Pilipinas.
Tingnan ang mga larawan dito at ang iba pang detalye: Dangerous extreme heat topples records around the world