Connect with us

International News

Natunaw na Himalayan glacier, nagdulot ng pagbaha sa India; pinaniniwalaang patay, nasa 150 na

Published

on

Larawan mula sa theedgemarkets.com

Umabot na sa humigit kumulang 150 ang pinaniniwalaang namatay sa Uttarakhand state dahil sa bahang sanhi ng pagkatunaw ng Himalayan glacier sa bahagi ng hilagang India. Umagos umano ito sa isang hydroelectric dam kahapon, na naging dahilan ng pagragasa ng tubig.

Ayon sa chief secretary ng Uttarakhand state na si Om Prakash, “The actual number has not been confirmed yet, but 100 to 150 people were feared dead.”

Sa salaysay ng isang nakasaksi sa pangyayari, pinagsamang bato at tubig, kasabay ng isang avalanche ang rumagasa sa ilog ng lambak ng Dhauli Ganga.

Tinatayang 50 ng mga manggagawa ng Rishiganga Hydroelectric Project ang nasawi, habang ang iba ay agad na nasaklolohan, ani Ashok Kumar , hepe ng Uttarakhand Police. Dagdag pa niya, inilikas na rin ang mga nasa karatig na dam.

Nakahanda naman umano ang Air Force ng India na tumulong sa sa rescue operations at ang disasteresponse team ay ipinadala na para sa relief and rescue, ayon kay Home Minister Amit Shah.

Masusi ring tinututukan ni Prime Minister Narendra Modi ang pangyayari