Connect with us

Education

“Nearly insurmountable” ang losses sa edukasyon sa buong mundo dahil sa pandemiya – UNICEF

Published

on

insurmountable scale of loss to children’s schooling

Maraming mga sektor ang naapektuhan ng Covid-19 pandemic, kabilang na dito ang edukasyon, at ayon sa UNICEF, “nearly insurmountable” ang losses sa edukasyon ng mga kabataan sa buong mundo dahil sa mga school closures.

Batay sa children agency ng UN, mahigit 616 milyong mga estudyante ang naapektuhan pa rin ng full o partial school closures.

Sa maraming bansa, bukod sa pagtatanggal ng oppurtunidad sa milyun-milyong bata na makuha ng basic skills, naapektuhan rin ang mental health ng mga estudyante, nalagay rin sila sa greater risk ng abuse at karamihan ay hindi nagkaroon ng access sa “a regular source of nutrition,” dagdag ng UNICEF.

“Quite simply, we are looking at a nearly insurmountable scale of loss to children’s schooling,” pahayag ni UNICEF Chief ng Education Robert Jenkins batay sa ulat ng Manila Bulletin.

And “just re-opening schools is not enough,” dagdag niya, nanawagan din siya ng “intensive support to recover lost education.”

Batay sa ulat ng UNICEF, “learning losses to school closures have left up to 70 percent of 10-year-olds unable to read or understand a simple text, up from 53 percent pre-pandemic” sa mga bansa na may low at middle income.

Rich and Poor countries, both affected

Sa Ethiopia, ang natutunan lamang ng mga bata is “between 30 to 40 percent of the math they would have learned if it had been a normal school year” sa primary school, estimate ng UN agency.

Gayundin ang mga rich countries, na-obserbahan ng UNICEF na nagkakaroon rin ng learning losses ang ilang states ng United States, kabilang ang Texas, California at Maryland.

Isa rin sa mga problema ang school dropouts. Sa South Africa, 400,000 hanggang 500,000 ang mga estudyanteng “reportedly dropped out of school altogether between March 2020 and July 2021.”

Tumataas rin ang level ng anxiety at depression sa mga kabataan dahil sa pandemiya.

Ang pagsasara ng paaralan ay nangangahulugan din ng higit sa 370 milyong mga bata sa buong mundo ang hindi nakakakuha ng mga school meals, “losing what is for some children the only reliable source of food and daily nutrition.”

(Manila Bulletin)