International News
NEW ZEALAND NAGBIGAY NG P64.2 MILLION NA COVID ASSISTANCE SA PILIPINAS — DFA
NAGBIGAY NG 64.2 MILLION na tulong ang New Zealand para sa COVID-19 assistance sa Pilipinas ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Priyoridad ng nasabing assistance ang mga vulnerable communities sa Mindanao.
Pinaabot ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang pasasalamat ng Pilipinas sa suporta ng New Zealand sa COVID-19 response ng bansa sa sa kanyang pagpupulong kay New Zealand Ambassador Peter Francis Tavita Kell.
Ayon sa DFA handa ang New Zealand na tumulong sa mga ginagawang hakbang ng gobyerno para mapigilan ang pandemic crisis.
Pinasalamatan naman ni Kell ang DFA at iba pang mga ahensya ng gobyerno sa pagtulong sa pag-repatriate ng mahigit 500 New Zealand nationals sa bansa nang magsimula ang lockdowns noong Marso.