International News
No to Nuclear War, pangako ng 5 Superpowers


Nangako ang limang global nuclear powers kahapon sa pagpigil sa pagkalat ng atomic weapons at pati na rin ang pag-iwas sa nuclear conflict, sa isang joint statement na kung saan isinang-tabi muna ang tumataas na West-East tension para muling pagtibayin ang layunin na magkaroon ng nuke-free world.
“We believe strongly that the further spread of such weapons must be prevented,” pahayag ng permanent UN Security Council members China, France, Russia, UK, at United States, dagdag pa nila, “A nuclear war cannot be won and must never be fought.”
Pinalabas ang pahayag matapos ang latest review ng Treaty on the Non-Proliferation of Nuclear Weapons (NPT)–na unang ipinagtibay noong 1970- ay nakatakda sana ngayong ika 4 ng Enero, subalit ipinagpaliban dahil sa Covid-19 pandemic.
Sa kabila ng tensyon sa pagitan ng China at Russia at ang kanilang Western partners, ayon sa five world powers nakita nila na, “the avoidance of war between nuclear-weapon states and the reduction of strategic risk as our foremost responsibilities.”
Dagdag pa ng powers: “We each intend to maintain and further strengthen our national measures to prevent unauthorized or unintended use of nuclear weapons.”
Pinangako rin sa statement ang pagsunod sa key article sa NPT na kung saan nakatuon ito sa full future disarmament ng nuclear weapons, na ginamit lamang ito sa US bombings sa Japan noong katapusan ng World War 2.
“We remain committed to our NPT obligations, including our Article 6 obligations,” naka saad sa treaty.
Ayon sa UN, may kabuuang 191 states na kasali sa treaty. Ang provisions sa treaty ay nanawagan ng review kada limang taon.
Sa isang op-ed sa international media, ayon kay UN Secretary General Antonio Guterres na ang pagkakaroon ng 13,000 nuclear weapons sa buong mundo ay isang growing threat, na kung saan ang panganib na gamitin ito ay mas mataas kumpara noong panahon ng Cold War.
“Nuclear annihilation is just one misunderstanding or miscalculation away,” aniya.
“The Secretary General takes the opportunity to restate what he has said repeatedly: the only way to eliminate all nuclear risks is to eliminate all nuclear weapons,” pahayag ni Stephane Dujarric ang spokesman ni Guterres ngayong Lunes.
(By Agence France-Presse)