International News
North Korea, tinanggihan ang 3M Sinovac COVID-19 shots
Tinanggihan ng North Korea ang tatlong milyong COVID-19 vaccine doses ng Sinovac Biotech (SVA.O) ng China ayon sa UNICEF.
Ayon kasi sa nasabing bansa, mas mainam umano na ibigay na lang ang mga ito sa mga bansa na lubos na apektado ng COVID-19.
Sa ngayon, wala pang naitatalang COVID-19 cases ang North Korea at nagpatupad na sila ng istriktong anti-virus measures, kabilang ang pagsasara sa mga border at paghihigpit sa domestic travel.
Noong July, tinanggihan din ng NoKor ang shipment ng AstraZeneca’s (AZN.L) vaccine dahil sa pangamba ng side effects, ayon sa South Korean think-tank, na may kaugnayan sa South Korea’s spy agency.
Continue Reading