Connect with us

International News

PAGHAHANAP SA MGA BIKTIMA NG LANDSLIDE SA MEXICO, NAGING MABAGAL DAHIL SA BANTA NG DAGDAG NA PAGGUHO

Published

on

Patuloy man ang isinasagawang search and rescue operations sa mga biktima ng landslide na naganap sa Tlalnepantla, Mexico City nitong Biyernes, naging mabagal pa rin ito dahil sa takot na maaaring magkaroon ng panibagong mga landslide.

Ayon kay Ricardo de la Cruz, undersecretary general ng Mexico state, isa ang kumpirmadong patay matapos gumulong pababa ng burol ang malalaking tipak ng bato. Bumaba na umano sa tatlo ang dati’y pitong pinaghahahanap ng mga awtoridad.

Subalit, itinigil nila ang operasyon pagsapit ng gabi dahil sa pangambang baka magkaroon pa ng dagdag na PAGGUHO.

“We don’t want to anyone to take additional risk,” ani De La Cruz.”  The geologists have told us that the landslide is complicated. We have made flights with drones and we don’t want to put anyone in danger.”

Ang landslide ang naging bunga ng ilang araw ng matinding ulan at malakas na lindol sa lungsod ng Acapulco.

Continue Reading