Connect with us

International News

Pagkawala ng pang-amoy, maaaring sintomas ng COVID-19

Published

on

Ipinasasama ng mga doktor sa Estados Unidos ang pagkawala ng pang-amoy at panlasa sa listahan ng mga sintomas ng COVID-19.

Ayon sa mga doktor ng American Academy of Otolaryngology-Head and Neck Surgery, ang anosmia o pagkawala ng pang-amoy at ang dysgeusia o pagkawala ng panlasa ay nararapat na isali sa mga dapat ikonsidera kung nagsusuri ng mga posibleng may COVID-19 infection.

“Anosmia, in particular, has been seen in patients ultimately testing positive for the coronavirus with no other symptoms,” nakasaad sa statement sa kanilang website.

Nakasaad pa sa naturang statement na ang mga taong may nabanggit na sintomas ay kailangang ipa-self-isolation at ipa-test.

Naglabas ng anunsyo ang nasabing akademiya matapos maglabas ang ENT UK, isang organisasyon na kumakatawa sa mga ear, nose and throat surgeons sa United Kingdom, ng isa ring pahayag sa kanilang website na ang anosmia ay maaari ring maging sintomas ng novel coronavirus.

Matagal na umanong itinuturing ng mga medical literature na may koneksyon ang anosmia sa ilang mga respiratory infections.

“Previously described coronaviruses are thought to account for 10-15% cases. It is therefore perhaps no surprise that the novel COVID-19 virus would also cause anosmia in infected patients,” pahayag ng ENT UK.

Dagdag pa nila, malaking bahagi ng mga na-infect ng COVID-19 sa South Korea, China at Italy ang nagkaroon ng anosmia.

“In Germany it is reported that more than 2 in 3 confirmed cases have anosmia. In South Korea, where testing has been more widespread, 30% of patients testing positive have had anosmia as their major presenting symptom in otherwise mild cases.”

Ayon kay CNN Chief Medical Correspondent Dr. Sanjay Gupta, nagkakaroon na ang mga eksperto ng mas malawak na kaalaman tungkol sa mga uri ng sintomas na maaaring maipakita ng mga may sakit na COVID-19.

“Initially this was thought to be almost solely respiratory,” ani Gupta. Ngunit idinagdag niya na ang pagkakaroon ng lagnat, ubo, at hirap sa paghinga ay nananatiling itinuturing na pangunahing sintomas ng Covid-19.

Source: CNN