International News
Pagti-testing ng bakuna laban sa Coronavirus, sisimulan ngayong Lunes
Washington DC-Babakunahan na sa Lunes ng experimental dosage ang mga kasali sa clinical trial para sa bakuna laban sa coronavirus. Ayon ito sa isang government official na nakabase sa Washington D. C.
Ang nasabing trial ay pinupondohan ng National Institutes of Health at isinasagawa sa Kaiser Permanente Washington Health Research Institute sa Seattle.
Hiningi ng opisyal na itago ang kanyang pagkakakilanlan sapagkat hindi pa umano naipahayag sa publiko ang nasabing plano.
Ayon sa mga Public health officials, aabutin ng isang taon hanggang isang tao’t kalahati bago ma-validate ng tuluyan ang mga potensyal ng nasabing bakuna.
Mag-uumpisa ang trial sa pagbabakuna ng magkakaibang dosage sa 45 na malulusog na mga volunteers.
Hindi umano mai-infect ang mga naturang volunteers mula sa bakuna sapagkat wala itong lamang virus. Ang layunin lamang ng naturang hakbang ay matiyak na walang side effect ang bakuna na idinebelop ng NIH and Moderna Inc. Kung magtagumpay ang unang stage ay agad nang sisimulan ang mas malawakang pagsusuri.
Bunsod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa buong mundo, walang tigil sa pagdiskubre ng gamot panlaban sa Coronavirus ang iba’t ibang mga research groups sa buong mundo.
Dagdag pa rito, layon rin nilang makabuo ng iba’t ibang uri ng bakuna, tulad na lamang ng mga gamot na mabilis ang produksyon ngunit mas epektibo. Minamadali rin ng mga mananaliksik ang pagdi-debelop ng bakuna kahit na may temporaryong epekto, habang ginagawa pa ang bakunang may long-lasting na epekto.
Ang Inovio Pharmaceuticals naman ay umaasang makapag-umpisa na ng safety tests ng kanilang bakuna sa susunod na buwan sa University of Pennsylvania at sa kanilang testing center sa Kansas City, Missouri. May mga kaparehong pag-aaral rin ang kasalukuyang ginagawa sa China at South Korea.
Kahit na maging tagumpay ang safety tests, kailangan pa umanong maghintay ng isang taon hanggang isang tao’t kalahati bago magamit ng publiko ang bakuna, ayon kay Anthony Fauci, direktor ng National Institute of Allergy and Infectious Diseases ng NIH.
Isinususog ng presidente ng US na si Donald Trump na madaliin ang pagdi-debelop ng mga bakuna. Umaasa umano siya na magkakaroon na ng bakuna sa lalong medaling panahon.
Source: Manila Times