Connect with us

International News

Pambihirang H7N5 bird flu outbreak naitala sa Germany

Published

on

Naiulat sa Germany ang pambihirang outbreak ng H7N5 bird flu malapit sa border ng Netherlands batay sa World Organisation for Animal Health (WOAH).

Namatay ang 6000 mula sa 90,879 flock ng ibon sa Bad Bentheim sa Lower Saxony ayon sa Paris-based WOAH.

Na-detect ito noong June 29 at nakumpirma nitong July 2.

Ang H7N5 strain ay iba sa H5N1 na nagpawi ng mga kawan ng ibon at kumalat sa mga populasyon ng mammal at ilang tao sa buong mundo.

Ito ang unang outbreak ng H7N5 sa tala ng WOAH sa global animal disease outbreaks.