Connect with us

International News

PANGALAN NI TRUMP SA ISANG KALYE SA OTTAWA, NAIS PALITAN NG MGA RESIDENTE

Published

on

Trump Avenue
Larawan mula kay Michel Comte ng Agence France-Presse

Pinapapalitan ng mga residente ng isang komunidad sa Canada ang pangalan ng kanilang kalye.  Ayaw na kasi nila umanong maiugnay sa pangalang Donald Trump.

Ang Trump Avenue sa west side ng Ottawa ay napapalibutan ng mga bahay na gawa sa bricks.

Ang Central Park neighborhood kung saan makikita ang Trump Avenue ay kilala sa mga New York-themed na mga pangalan ng kalsada nito.  Itinatag ang nasabing komunidad noong late 1990s bago pa pumasok sa pulitika ang real estate mogul na si Trump.

Meron ding Madison Park, Bloomingdale Street, Manhattan Crescent, at Staten Way sa lugar na iyon.

Isa si Bonnie Bowering sa mga nais na mapalitan ang pangalan ng kalye.  Lumipat siya sa Trump Avenue noong 2008.

“When I used to tell people I live on Trump Avenue and I would add, ‘Yes, it is The Donald,’ people would smirk, some offered sympathies, that sort of thing,” ibinahagi niya sa Agence France-Presse.

“But now — after he’s undermined democracy, and incited an insurrection, a violent attack on the US Capitol — it’s time to change our street name,” sabi niya.

“Trump doesn’t deserve the honor and I think it’s inappropriate to have a street named after him in Canada’s capital,” dagdag pa niya.

Nangangalap na ng suporta si Ottawa city councilor Riley Brockington upang mapalitan ang pangalan.

Maraming taon nang isinusulong ng mga residente na palitan ang pangalan ng kalye subalit pinigilan ito ni Brockington dahil ayaw niyang ma-offend si Trump habang nasa posisyon ito bilang president ng US.

“I was concerned that there might be ramifications against Canada, that Trump would take punitive measures if word got out that Canada’s national capital wanted to take his name off a street sign,” ani Brockington.

“With his exit from the White House, I felt now was a good time to try it.”

Kailangan ng pirma ng kalahati sa kabuuang bilang ng mga residente upang maumpisahan na ang proseso ng pagpapalit na maaaring abutin ng maraming buwan.

Ang pagpapalit ng pangalan ng kalye ay mangangailangan ng bagong pangalan, mga signage, mapa, at postal address ng 62 na mga bahay na matatagpuan sa naturang kalye.