International News
Panibagong pagatake nanaman sa dalawang Pinoy nationals sa New York City ang naiulat
Dalawang Pilipino nationals ang latest na biktima sa magkahiwalay na “unprovoked attacks” sa New York City, ayon sa Philippine Consulate General.
“The Philippine Consulate General in New York condemns in the strongest terms the latest attacks against members of the Filipino Community after two more kababayan have been added to the growing list of victims of the senseless violence that has left many Filipinos in fear,” pahayag ni Consul General Elmer Cato.
Noong Linggo, isang 73-year-old Pilipino na pupunta lamang sa simbahan sa pagitan ng 8th Avenue at 40th Street sa Manhattan ay naiulat na sinaktan ng isang homeless na indibidwal.
Samantala, noong Lunes, isang 53-year old Pilipino naman ang naging biktima, kung saan siya’y “beaten unconscious and robbed” ng isa nanamang homeless na indibidwal sa McDonald’s store sa may 7th Avenue malapit sa 34th Street.
Kinilala ng Daily News na nakabase sa New York ang 53-anyos na si Melvin Dizon, na ngayon ay nagpapagaling sa Bellevue Hospital.
Sa panayam ng US Daily, sinabi ng Pilipino immigrant na walang sinuman sa mga empleyado ng store o kapwa customer ang tumulong sa kanya kahit sinuntok at sinipa pa hanggang siya’y matumba ng kanyang assailant.
Ayon kay Cato, umabot na sa 34 ang bilang ng anti-Asian hate incidents at criminal violence involving Filipinos simula noong 2021, kabilang dito ang kamakailang mga assaults, kasunod ng brutal na pag-atake sa isang 67-year-old Pilipino woman sa Yonkers, New York, noong nakaraang dalawang linggo.
Ngayong 2022, sinabi ng Philippine Consulate General na mayroon na agad pitong insidente kabilang ang dalawang latest na assaults.
Dahil dito, muling pina-alala ng Philippine Consulate General sa New York ang Pilipino community na manatiling “vigilant at all times” at gawin ang mga kinakailangang precautions, lalo na kapag nasa publiko.
Nanawagan rin ang Consulate sa mga otoridad na “to do more to make sure that New York City is safe again for everyone by removing dangerous individuals, especially those with criminal records, from the streets and addressing concerns related to homelessness and mental health.”
(PNA)