International News
PASLIT, NAGBAON NG GRANADA SA ESKWELAHAN SA SWEDEN


Nagdulot ng matinding panic sa isang Swedish pre-school sa Sweden ang pagdala ng isang paslit ng granada sa kanilang eskuwelahan para sana ipakita sa kanyang mga kalaro.
Hindi na pinangalanan ng pulisya ang bata na nasa pitong taong gulang palang.
Base sa ulat, pumasok ang bata bitbit ang Granada na napulot nito sa isang military firing range sa labas ng kanilang bayan na Kristianstad.
Unang nakita ng guro ang granada at agad nitong inireport sa otoridad.
Isinara ng bomb squad ang naturang eskuwelahan at sinimulang i-neutralized ang bomba na tumagal ng ilang oras.
Kalaunan ay napag-alaman ng bomb squad na hindi na aktibo ang nasabing granada.
“We don’t know how bad the damages would have been” kung sumabog ito ayon sa pahayag ng police spokesman.