International News
PINAKAMALAKING COVID-19 VACCINE FACTORY SA MUNDO NASUNOG SA INDIA, 5 PATAY
PUNE, INDIA – BINALOT ng makapal na usok ang itinatayong gusali ng Serum Institue of India, ang pinakamalaking pagawaan ng vaccine sa buong mundo kung saan lima ang kumpirmadong nasawi.
Ayon kay Adar Poonawalla, chief executive officer ng Serum Institute, labis nilang ikinalungkot ang pagkasawi ng lima na pawang mga empleyado nila.
“We are deeply saddened and offer our deepest condolences to the family members of the departed,” saad ni CEO Adar Poonawalla sa kanyang tweeter post.
Handa naman ang kumpaniya na magbayad ng danyos sa pamilya ng mga nasawi nilang empleyado na napag-alamang contract labourers sa halagang 2.5 na milyong ruppe o mahigit P1 milyong.
Hindi pa matukoy ng mga otoridad maging ang kompanya kung saan nanggaling ang sunog.
Dahil sa nangyari, apektado ang produksyon ng mga bakuna ng Oxford-AstraZeneca kung saan magmumula ang malaking bulto ng mga bakuna kontra COVID-19 na ipamamahagi sa mga mahihirap na bansa.
Kasunod nito, hindi pa batid kung ano ang magiging epekto ng nasabing insidente sa inaasahang suplay ng bakuna kontra COVID-19 sa Pilipinas.
Giit ng kompanya na magpapatuloy pa rin ang produksyon ng vaccine para sa COVID-19.
“It is not going to affect production of the Covid-19 vaccine,” saad ng Serum Institute.
Source: Port Lincoln Times, ABS-CBN News, expressnews