Connect with us

International News

Pinas, nangako ng tulong pinansyal sa Afghanistan

Published

on

Photo| Unsplash

Nangako ang Pilipinas ng pinansyal na tulong sa Afghanistan ngayong ngayon nasa ilalim pa rin ito ng pagsakop ng militanteng grupo na Taliban.

Sa isang pahayag, sinabi ni Evan Garcia ng Department of Foreign Affairs (DFA), na inanunsyo nga permanenteng representante ng bansa sa UN Office sa Geneva ang pangakong tulong para sa bansa sa Middle East.

“PH remains true to its commitment to provide humanitarian response to those most in need. We welcomed #Afghanistan refugees & asylum seekers, now we pledge a modest financial contribution to the UN OCHA Flash Appeal. We walk the talk,” saad sa tweet ng Philippine Mission sa Geneva.

Hindi na nagbigay ng pahayag ang DFA kaugnay sa halaga na ibibigay ng Pilipinas.

Kamakailan lang ay sinabi ni DFA Secretary Teddy Locsin, Jr. na handa ang bansa sa pakupkop ng mga Afghan refugees lalo na ang mga bata at kababaihan na gusting umalis ng kanilang bansa.