International News
Pinay nurse na namigay ng face mask, binugbog at inagawan pa ng cellphone sa New York
IMBES NA PASALAMATAN, PINAGTULUNGAN PANG BUGBUGIN ang isang Pinay nurse sa New York matapos itong mamigay ng face mask sa isang subway.
Kinilala ang biktima na si Potri Ranka Manis na binugbog ng mag-asawang Black-American.
Ayon sa ulat, sugatan ang nasabing Pinay at inigawan pa umano ito ng cellphone.
Pag-aakala raw ng mag-asawa, siya ay Chinese at sinabihan pa ito na isang terorista.
Pinaghahanap na ng New York Police Department ang mga suspek.
(With reports from GMA News)
Continue Reading