Connect with us

International News

Pinay OFW, ipinakulong ng Saudi employer dahil umano sa pag-selfie ng nakahubo’t hubad

Published

on

Photo| Unsplash

Isang Pinay OFW sa Saudi ang ipinaaresto umano ng kanyang employer nang mahuli itong nagseselfie nang nakahubad.

Ayon sa sister-in-law ng OFW na itinago sa pangalang “Ana”, kinontak nito ang amo ni Ana sa WhatsApp nang mapansin na ilang araw nang hindi nakakapag-online ang hipag.

Tinanong niya ang amo nito kung ano ang nangyari kay Ana at tumugon ito na dinala si Ana sa istasyon ng pulis dahil sa mga litrato nito sa cellphone.

“Simula nuong hindi na siya nag-online, nag-message ako sa kanyang boss na lalaki sa Whatsapp. Tinanong ko po siya [ang amo] kung ano na ang nangyari kay Ana at hindi na ito nagkapag-online. Sagot po ng amo na ‘nahuli si Ana na nag-selfie sa kwarto na naka hubad’,” pahayag nito.

Ayon pa sa hipag ni Ana, apat na buwan nang hindi nabibigyan ng sahod si Ana at tapos na ang kontrata nito.

Hindi naman makapaniwala ang asawa ni Ana sa pahayag ng employer nito at humingi ng tulong sa mga otoridad para makauwi ang kanyang asawa.

“Sir, sa totoo lang, hindi po magagawa yan ng asawa ko na maghubot hubad, siguro sir sexy short siguro po,” saad ng mister ni Ana sa isang panayam.

Handa naman na tumulong ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa nakulong na OFW.

Samantala, payo ni POLO Jeddah Labor Attaché Roel Martin sa mga OFW na pag-isipang mabuti ang naumang bagay na nais nilang gawin lalo na kung hindi ito kanais-nais.

Via GMA News

Continue Reading