International News
PRINCE CHARLES, PINURI ANG MGA PINOY HEALTH CARE WORKERS SA UK
Ipinaabot ni Prince Charles ang kaniyang pasasalamat sa mga Filipino healthcare workers sa United Kingdom dahil sa kanilang serbisyo sa pakikibaka laban sa pandemiya.
Sa isang video message na ibinahagi ni British Ambassador to the Philippines Daniel Pruce nitong June 11, 2021, pinuri ni Prince Charles ang mga Filipino healthcare workers sa kaniyang pahayag na, “To these wonderfully selfless people, I wanted to offer my most heartfelt gratitude for the outstanding care and comfort you give to your patients. ”
Dagdag pa niya, “You have made a truly remarkable contribution to the health and well-being of so many people across the country at such a difficult time.”
Ayon sa sa Prince of Wales, marahil ay hindi nila lubusang napagtanto kung gaano sila kapalad na maraming Pinoy nurses at healthcare workers ang piniling mahtrabaho at magbigay ng serbisyo sa U.K.
“My fondest thoughts are with the Philippines, and all those who wish to join me in celebrating our profoundly important relationship,” he said.
Ang pagpupugay na ito ay naganap kasabay ng pagdiriwang ng ika 75 taong anibersaryo ng diplomatikong ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at UK.