International News
ASAWA NI QUEEN ELIZABETH NA SI PRINCE PHILIP, PUMANAW NA SA EDAD NA 99
Pumanaw na sa edad na 99 ang asawa ni Queen Elizabeth II na si Prince Philip. Naging tapat na tagasuporta ang Duke of Edinburgh na si Prince Philip sa kanyang asawa sa loob ng mahigit pitong dekada.
“It is with deep sorrow that Her Majesty The Queen announces the death of her beloved husband, His Royal Highness The Prince Philip, Duke of Edinburgh,” ang nakasaad sa pahayag na inlabas ng Buckingham Palace nito lamang Biyernes.
“His Royal Highness passed away peacefully this morning at Windsor Castle. Further announcements will be made in due course. The Royal Family join with people around the world in mourning his loss,” dagdag pa sa pahayag.
Kilala ang Duke of Edinburg na isa sa pinakamasipag na miyembro ng royal family nang siya ay nabubuhay pa sa piling ng itinuturing na longest-reigning monarch sa Britanya.
Pinakasalan ni Prince Philip noong 1947 ang dati’y si Princess Elizabeth at simula noon ay ginampanan na niya ang libu-libong mga tungkulin sa palasyo.
“He is someone who doesn’t take easily to compliments, but he has, quite simply, been my strength and stay all these years, and I, and his whole family, and this and many other countries, owe him a debt greater than he would ever claim, or we shall ever know,” ang pahayag noon ni Queen Elizabeth bilang pagbibigay-pugay sa kanyang asawa noong sila’y nagdiwang ng kanilang ika-50 taong anibersaryo.
Noong 2017, sa edad na 96, nagretiro si Prince Philip mula sa kanyang mga official royal duties. Ang desisyon na ito ay sinuportahan naman ni Queen Elizabeth, ayon sa Buckingham Palace.
Nakapagtala ng 22,219 solo engagements si Prince Philip mula pa noong 1952. Nagbigay din siya ng 5,496 na mga talumpati nang siya ay bumisita sa higit 76 bansa. Bukod pa rito, nagsulat din siya ng 14 books at naging patron ng 785 na mga organisasyon,
Kahit na nagretiro na umano siya sa kanyang mga official duties, nananatili pa rin si Prince Philip sa tabi ni Queen Elizabeth tulad na lamang noong Remembrance Day.
Sa mga karaniwang araw naman ay ginugugol ni Prince Philip ang kanyang oras sa Windsor Castle at Wood Farm on the Sandringham Estate kung saan siya ay nagpipinta, pag-iikot sakay ng karuwahe, at iba pa niyang mga hobby sa
Ikinasal si Prince Philip at Queen Elizabetn noong 1947 at nito lamang Nobyembre 2020 ay ipinagdiwang nila ang 73rd wedding anniversary.