International News
REKLAMO SA MABAGAL NA INTERNET CONNECTION, IPINA-DIYARYO
Dahil sa bagal ng internet connection, hindi nag-atubiling gumastos ng $10,000 ang isang 90-taong na lalaki para ipalathala sa diyaryo ang kaniyang sentimyento sa CEO ng AT&T.
Kinilala ang lalaking si Aaron Epstein ng North Hollywood, California sa Estados Unidos. Taong 1960 pa simula nang maging kliyente ng AT&T si Epstein.
Napansin umano ni Epstein na pabagal nang pabagal ang kaniyang internet connection nitong mga nakaraang taon. Dahil dito, sinubukan niyang makipag-ugnayan sa kumpaniya. Pinangakuan naman umano siya ng mas mabillis na serbisyo kahit nataliwas ito sa mga naririnig niyang hindi abot sa kaniyang lugar ang mas mabilis na internet connection.
Salaysay ni Epstein, “I kept calling AT&T [and asking] ‘When are you going to give us a faster speed?’ They said, ‘It’s coming, it’s coming.’ But what really made me angry was they started putting ads in the paper and sending emails and putting ads on the internet [saying], ‘Try our faster speed.’”
Dahil dito, minabuti ni Epstein na gawan ng paraan ang mabagal na pag-aksyon ng kumpaniya. Nagpalathala siya ng patalastas, isa sa Wall Street Journal sa Dallas, Texas kung saan naroroon ang headquarters ng AT&T, at isa sa Wall Street Journal NewYork at nakasaad dito na ito ay para kay John T Stankey, ang CEO ng AT&T. Ang nasabing patalastas ay may pamuhatang, “Open letter to Mr John T Stankey, CEO AT&T,” kung saan ang panimula nito ay: “Dear Mr Stankey: “AT&T prides itself as a leader in electronic communications. Unfortunately, for the people who live in North Hollywood, CA, AT&T is now a major disappointment.”
Ipinaliwanag ni Epstein na karamihan umano ng nakatira sa kanilang lugar ay “”creative technical workers’ that work for nearby companies such as Universal, Warner Brothers and Disney, who ‘need to keep up with current technology’ and have looked to AT&T to do so.”
“Yet, although AT&T is advertising speeds up to 100 MBS for other neighborhoods, the fastest now available to us from AT&T is only 3 MBS. Your competitors now have speeds of over 200 MBS,” pagpapatuloy ng nasabing patalastas,
“Why is AT&T, a leading communications company, treating us so shabbily in North Hollywood?” Dito nagwakas ang bukas na liham ni Epstein.
Ayon pa sa kaniya, wala siyang pinagsisihan sa ginawa kahit na ang tingin ng iba rito ay pagwawaldas ng pera. Para kay Epstein, ipinarating lamang niya ang nais iparating sa AT&T na agad rin namang tinugunan ng kumpaniya. Nakatanggap ng tawag mula sa AT&T at pinangakuan umano siya na, “We’re going to see what we can do for you.”