International News
Russia nagbabala ng possibleng paglala ng giyera nito sa Ukraine at maging isang World War III
Nagbabala ang Russia na ang giyera nito sa Ukraine ay nanganganib lumala at maging isang World War III, at pinagsabihan nito ang Kyiv “of playing at peace talks” isang araw matapos sabihin ng mga bumisita na US officials na kayang talunin ng Ukrainian forces ang invasion ng Moscow.
Dahil sa conflict, bumuhos ang suporta mula sa mga Western nations sa Ukraine upang matulungan nila ang Ukraine makipag-digmaan laban sa mga Russian troops.
Pinuna ni Russian Foreign Minister Sergei Lavrov ang approach ng Kyiv sa “floundering” peace talks at sinabi niya sa mga Russian news agencies na ang panganib ng World War III “is serious.”
“It is real, you can’t underestimate it.”
Dagdag niya na kahit patuloy pa rin ang peace talks sa Kyiv, inakusahan ni Lavrov si Ukrainian President Volodymyr Zelensky “of pretending” na makipag-negotiate, noting: “You’ll find a thousand contradictions.”
Ilang buwan nang humihiling si Zelensky sa mga western allies ng Ukraine ng heavy weapons — kabilang dito ang artillery at fighter jets — at nangakong maibabaliktad nila ang tide ng war gamit ang mas maraming firepower.
Ngayon, pinapakinggan na ang kanyang panawagan, sapagkat ang host ng NATO countries ay nangakong magbibigay ng iba’t ibang armas at equipment, sa kabila ng mga protesta mula Moscow.
“The first step in winning is believing that you can win,” sinabi ni Pentagon chief Lloyd Austin sa mga grupo ng journalists matapos niya at si State Antony Blinken bisitahin si Zelensky sa Kyiv.
“We believe that we can win — they can win — if they have the right equipment, the right support.”
Ang United States ang nangungunang donor ng finances at weaponry sa Ukraine, at sila rin ang key sponsor sa pagpapatupad ng sanctions sa Russia.
Ngunit, noong mga nakaraaan, hindi sila nagpapadala ng mga top officials sa Kyiv. Ilang European leaders na ang pumunta sa Ukraine upang maipakita nila ang kanilang suporta.
“Many countries are going to come forward and provide additional munitions and howitzers. So we’re going to push as hard as we can, as quickly as we can, to get them what they need,” sinabi ni Austin.
Dagdag ni Bliken at Austin na ang mga US diplomats ay unti-unting babalik sa Ukraine ngayong linggo at nagpahayag sila ng $700 million (653 million euros) karagdagang military aid.
(Agence France-Presse)