International News
Same-sex marriage, aprub na sa Thailand
Inaprubahan na sa bansang Thailand ang same-sex marriage o pagpapakasal ng parehong kasarian.
Ang Thailand ang unang Southeast Asian country na nagsalegal nito matapos makalusot sa final reading ng Senado ang panukalang batas na nagsasalegal sa same-sex marriage nitong Hunyo 18, 2024.
Naaprubahan ang batas sa pamamagitan ng 130 votes na may 18 abstentions.
Magiging epektibo ang batas 120 araw pagkatapos nitong ipahayag sa Royal Gazette.
Binago ng naipasang batas ang pagtukoy sa “men”, “women”, “husbands” at “wives” sa marriage laws sa gender-neutral terms.
Dahil dito, magkakaroon na rin ng parehong karapatan ang same-sex couples pagdating sa pag-aampon at mana.
Continue Reading