International News
SANGGOL, IPINANGANAK NA MAY TATLONG ARI
Naitala sa unang pagkakataon ang sinasabi ring tanging kaso sa mga tao, ang sanggol na lalaking ipinanganak na may tatlong ari. Naganap ang pangyayaring ito sa bansang Iraq.
Nakupirma ang kalagayan ng batang lalaki nang humingi ng tulong ang mga magulang nito dahil sa napansing pamamaga sa may ari nito, particular na sa bandang bayag ng bata. Napansin din nila ang wari’y dalawang nakausling balat sa sa bandang ilalim ng bayag o perineum.
Ang kundisyong ito ay tinatawag na triphallia (three penises) at ang makasaysayang pangyayaring ito ay nailathala ng International Journal of Surgery Case Reports noong isang taon. Kamakailan lamang ng pumutok sa internet ang balitang ito.
Ayon sa pahayag ng mga doctor na sina Doctors Shakir Saleem Jabali at Ayad Ahmad Mohammed, “To the best of our knowledge, this is the first reported case with three penises or triphallia.”
Dagdag pa ng mga eksperto, “supernumerary penises is an extremely rare congenital anomaly which affects one in every 5 to 6 million live births.”
Sumailalim na ang sanggol sa operasyon kung saan tinanggal na ang dalawang ari nito. Hindi umano naging madali ang operasyon “(because) it poses medical, ethical, and cosmetic aspects.” Gayun pa man, hindi kinakitaan ng kumplikasyon ang bata.
Saad ng mga doktor, “A combined multidisciplinary team is required for the management and long term follow up is required.”