International News
SANTO PAPA, NAKATANGGAP NG SULAT NA MAY LAKIP NA 3 BALA NG BARIL
Humihingi ngayon ng panalangin ang Simbahang Katoliko para sa kaligtasan ni Pope Francis matapos itong makatanggap ng isang sulat na may kasamang tatlong bala ng baril.
Ang mensahe sa sulat ay patungkol sa financial operation ng Vatican. Mayroon itong French stamp at may address na: The Pope, Vatican City, St. Peter’s Square sa Roma na may kasamang tatlong bala ng 9mm na baril.
Patuloy ang imbestigasyon ng kapulisan. Isa umanong French National ang suspek pero wala pang inilabas na pangalan.
Umapela naman ng dasal mula sa mananampalataya at taumbayan si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula Jr. para sa kaligtasan ng Santo Papa.
Matatandaan na Mayo 13 noong 1981, binaril si Pope Saint John Pall II sa St. Peter’s Square habang nagsasagawa ng weekly general audience.
Maswerteng nakaligtas ang Santo Papa at nahuli ang suspek na si Mehmet Ali Agca, isang Turkish national. Gumamit ang suspek ng isang 9mm Brow-ning automatic na uri ng baril.
Sa kabila ng krimen, binisita pa ng Papa ang suspek sa kulungan at pinatawad ito sa kaniyang kasalanan.