International News
SEARCH & RESCUE OPERATIONS SA NASUNOG NA CALIFORNIA VESSEL SINUSPINDE NA
Sinuspinde na ng US Coast Guard ang search and rescue operations sa nasunog na diving boat sa Santa Cruz Island, sa California nitong Lunes.
Ayon kay United States Coast Guard Capt. Monica Rochester, sinuspinde ang paghahanap sapagkat wala na umanong sign na mayroon pang mga naligtas sa nasabing insidente.
“It is never an easy decision to suspend search efforts. We know that this is a very difficult time for families and friends of the victims,” wika ni Rochester.
Isang aircraft ang pinalipad nitong Martes upang matukoy kung mayroon pang mga survivors subalit wala nang nakitang sign 24-hour-long search sa lugar.
Batay sa mga opisyal, sa 39 katao na sakay sa 75-foot dive boat na Conception, limang tao lamang – apat na tripulante at isang kapitan – ang natagpuang buhay.
Sa pahayag ni Santa Barbara County Sheriff Bill Brown, 20 na bangkay ang narekober sa naganap na paglubog – 11 na babae at 9 na lalaki.
Sinabi ni Brown na idadaan ng otoridad ang mga bangkay sa DNA para makilala ang mga ito.
Samantala, pawang karamihan sa mga nasawi ay posibleng natutulog habang nangyayari ang sunog at paglubog ng barko.
Ang naturang diving boat ay pag-aari umano ng Truth Aquatics.
Ayon sa schedule ng Truth Aquatics ang diving boat ay nasa tatlong araw na $665 diving excursion para mag libot sa San Miguel Island.
Umalis ito Sabado ng umaga at dapat babalik Lunes ng gabi.
Napag-alamang ang Truth Aquatics ay isang Santa Barbara Harbor-based operation na nagsimula pa noong 1974.