Connect with us

International News

South Korea tinitingnan ang posibilidad ng VFA sa Pilipinas

Published

on

Tinitingnan ngayon ng South Korea ang posibilidad ng pagpasok sa Visiting Forces Agreement (VFA) sa Pilipinas ayon kay Korean Ambassador Lee Sang Hwa.

“The Korean side has been considering, has been giving a thought to the idea of a Visiting Forces Agreement. I’m not privy to the details of how it has been reviewed by the relevant authorities. That is, I think, on the table. So, let’s see how it goes,” saad ni Lee.

Ang VFA ay isang uri ng kasunduan sa pagitan ng mga bansa na nagbibigay-daan sa presensya ng mga dayuhang militar sa host country.

Sa kasalukuyan, tanging ang Unites States at Pilipinas lang ang may VFA.

Kasunod nang pagpirma ng Reciprocal Access Agreement (RAA) sa gitna ng Pilipinas at ng Japan nitong Hulyo, inaasahan na din ang kaparehong defense arrangement sa South Korea.

Binigyang-diin ni Lee ang pangako ng SoKor na palalakasin pa ang kanilang pakikipagtulungan sa depensa sa Pilipinas na mahalaga sa pagpaunlad ng kapayapaan sa Indo-Pacific region.

Kinilala naman ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary at Spokesperson Teresita Daza ang matibay na relasyon sa depensa sa pagitan ng Pilipinas at South Korea na nagsimula pa noong panahon ng Korean War.

“Both the Philippines and Korea are committed to freedom and democracy, to inclusive growth and a rules-based international order. The Philippines is glad to note the alignment in our position on peace and stability in the Pacific region, including in the South China Sea,” lahad naman ni Daza.