International News
SPECIAL SEARCH AND RESCUE OPERATIONS SA MISSING CREW MEMBERS NG LIVESTOCK 1, HININTO NA NG JAPANESE COAST GUARD
HININTO na ng Japanese coast guard ang search and rescue operations sa mga missing na mga crew members, kasama na ang 36 Filipino seafarers ng Gulf Livestock 1 na barko na pinaniniwalaang lumubog sa karagatan ng Japan.
Kinumpirma ni Elias Delos Reyes, presidente ng Korphil Manning Agency, Inc. na hininto na kagabi ng Japanese Coast Guard amg search and rescue operations matapos wala ng makita na crew makaraan ang isang linggo na pagkawala ng barko noong Setyembre 2.
Dalawang Filipino seafarers ang narescue ng Japanese coast guard noong nakaraang linggo, habang may isa pang nakita pero patay na.
Maliban sa 36 na Pinoy na missing, kung saan 12 dito ang taga-Western Visayas, kasama rin sa nawala ang dalawang Australians at dalawang New Zealanders.
Simula ngayong araw, Setyembre 10, balik na sa kanilang normal routine ang Japanese coast guard pero nangakong tutulong pa rin kapag may makitang palatandaan sa kinarorounan ng mga crew o ng barko.