International News
“Stay Vigilant and report to us” sinabi ng PH consul sa New York sa mga Filipino sa gitna ng pag-taas ng Anti-Asian hate crimes
![anti-asian hate crimes](https://radyotodo.ph/wp-content/uploads/2021/08/anti-asian-hate-crimes-1.jpg)
![anti-asian hate crimes](https://radyotodo.ph/wp-content/uploads/2021/08/anti-asian-hate-crimes-1.jpg)
Hinimok ng Philippine Consul ng New York ang mga Filipinong nabiktima ng anti-Asian violence sa United States na maging “vigilant” at iulat ang mga attacks laban sa kanila sa mga otoridad para magkaroon ng wastong aksyon.
“We are urging our kababayans to be more vigilant when outside their residences,” sinabi ni Philippine Consul General na si Elmer Cato sa CNN Philippines nitong Martes.
“Panawagan natin palagi is kung may nangyari sa kanila please inform us so we could put together all the data so we could inform our kababayans on the real situation and what they could do about it,” dagdag ni Cato.
Base sa data ng New York Police Department, ang hate crimes laban sa nga Asians ay tumaas ng 375% ngayong taon, at kung saan 18 ay direkta sa consulate, sabi ni Cato.
Ngunit, naniniwala siya na mas marami pa, sapagkat may mga Filipino na kadalasan hindi nag-uulat ang mga attacks sa consulate.
Kamakailan, may dalawang Filipino ang na-assault sa New York, isa ay Filipino woman na namamahagi ng mga face masks sa mga kapwa niyang pasahero sa subway, at ang isa ay Filipino stage aktor na si Miguel Braganza, na inatake habang papunta siya sa kanyang apartment sa Upper West Side.
Batay sa consul general, ang pag-taas ng Anti-Asian crimes ay nangyari matapos ang COVID-19 outbreak, sapagkat maraming mga Americans ay sinisisi ang mga Asians sa health crisis.
Karamihan sa mga attacks ay laban sa mga Chinese, sumunod ang Koreans, pagkatapos ay mga Filipino.
Gayunpaman, sinabi ni Cato na karamihan sa kaso ng Filipinos ay “unprovoked, spontaneous incidents, involving homeless individuals with mental issues.”
Upang suportahan ang efforts ng NYPD na tugunan ang mga krimen, sinabi niya na naglabas sila ng isang advisory na nag-iinform sa mga Filipino na tumawag sa 911 o makipag-ugnayan sa mga consulate sa pamamagitan ng kanilang hotline upang ipaalam sa kanila ang anumang klaseng anti-Asian hate crime.
Nagsagawa rin sila ng mga webinars at self-defense workshops para matuto ang mga Filipino kung paano nila maproprotektahan ang kanilang sarili kapag nasa labas sila ng kanilang residensya, dagdag ni Cato.
Report from CNN Philippines