Connect with us

International News

Submersible na Titan, Nag- “Implode” habang papuntang Titanic, 5 Bilionaryong Sakay Patay

Published

on

titan submersible
Photo: OCEANGATE EXPEDITIONS via Reuters

Ang Titan, na pinamamahalaan ng kumpanyang OceanGate Expeditions sa Estados Unidos, ay nawala matapos mawalan ng komunikasyon sa surface support ship nito noong June 18, ng umaga, mga isang oras at 45 minuto mula nang magsimula ang dalawang oras na paglalayag patungo sa pinakatanyag na lumubog na barko sa mundo ang Titanic.

Nitong Huwebes ng umaga, natuklasan ng isang robotic diving vehicle mula sa isang Canadian ship ang mga parte ng submersible na Titan at mga piraso nito sa seabed mga 1,600 talampakan (488 metro) mula sa unahan ng Titanic, na nasa 2 1/2 milya (4 km) sa ilalim ng karagatan, ng North Atlantic, ayon kay Rear Admiral John Mauger ng US Coast Guard.

Ayon sa mga opisyal ng Coast Guard, natagpuan ang limang pangunahing piraso ng 22-feet (6.7-metro) ng Titan, kabilang ang dulo ng barko at dalawang bahagi ng pressure hull. Walang nabanggit kung may natuklasang mga labi ng tao.

Bago pa man ang press conference ng Coast Guard, naglabas na ng pahayag ang OceanGate na walang natirang buhay sa limang lalaking sakay ng Titan, kabilang na ang founder at chief executive officer ng kumpanya na si Stockton Rush na nasa likod ng pagpapatakbo ng Titan.

Kabilang din sa mga nasawi ang British billionaire at explorer na si Hamish Harding, 58; ang Pakistani-born businessman na si Shahzada Dawood, 48, at ang 19-anyos niyang anak na si Suleman, parehong mga mamamayan ng Britanya; at ang French Oceanographer at kilalang eksperto sa Titanic na si Paul-Henri Nargeolet, 77, na ilang beses nang bumisita sa lumubog na barko.

Continue Reading