Connect with us

International News

Supply ng bilihin sa Sri Lanka, matumal; utang ng bansa, hindi na mabayaran

Published

on

Larawan mula sa abplive.com

Pahirapan ngayon ang supply ng mga bilihin sa Sri Lanka dahil sa nararanasang “worst financial crisis in more than 70 years.”

Nauna nang nabalita na sa kauna unahang pagkakataon ay hindi nakapagbayad ang Sri Lanka ng kanilang utang at ubos na umano ang kanilang foreign reserves.

Nito lamang Miyerkules ay nag-expire na ang 30-day grace period na binigay sa bansa upang makapagbayad ng interes na $78m (£63m) ng kanilang utang.

Sinabi naman ng governor ng Central Bank ng South Asian nations na ang Sri Lanka ay naka-“pre-emptive default”.

Hindi magandang katayuan ang pagiging default sapagkat makakaapekto ito sa reputasyon ng bansa sa mga investors.

Mahihirapan umano ang bansa na makahiram ng pondo sa pandaigdigang merkado at lalong magiging masama ang lagay ng kanilang ekonomiya.

Sinasabing bumulusok ang ekonomiya ng Sri Lanka dahil sa COVID-19 pandemic at pagtaas ng presyo ng langis, subalit ayon naman sa mga kritiko, ang nakaraang administrasyon ang dapat sisihin sa pagkalugmok ng kanilang ekonomiya.

Continue Reading