International News
SUPPLY NG WORLD HEALTH ORGANIZATION PARA SA COVID-19 RESPONSE SA LEBANON NAWASAK DAHIL SA PAGSABOG
Aabot sa 17 containers na naglalaman ng medical supplies para sa COVID-19 response sa Lebanon ang nawasak dahil sa pagsabog na naganap sa pantalan sa Beirut araw ng Martes.
Ayon sa World Health Organization, kabilang sa mga nasirang supply ay mga PPE sets at iba pang mga gamit.
Limang ospital sa Beirut ang naapektuhan ng pagsabog. Tatlo sa mga ito ang wasak na wasak at non-functional na, habang dalawa naman ang bahagyang nasira. Dahil sa pagkasira ng limang ospital, 500 na kapasidad na higaan ang nabawas sa Beirut.
Sa datos ng WHO, mahigit 5,000 katao na ang naitalang sugatan sa pagsabog at mahigit 130 dito ang nasa Intensive Care Unit. Nagpadala na ang WHO ng trauma at surgical supplies sa Beirut na kayang makatugon sa pangangailangan ng 2,000 mga pasyente.