Connect with us

International News

Taiwanese fishing boat, hinarang ng CCG at dinala sa Mainland China

Published

on

Hinarang ng Chinese Coast Guard ang isang Taiwanese fishing boat na may lulang limang crew members nitong Martes.

Kinumpirma ng mga Taiwanese officials na ang naharang na bangka ay nahuli sa loob ng Chinese territorial waters na may 2.8 nautical miles na layo mula sa baybayin.

Nag-operate din ito sa kalagitnaan ng taunang summer-time fishing ban ng China mula May hanggang August.

Nasa 17 Taiwan-registered vessels na ang naharang ng CCG simula 2003 dahil sa pangingisda habang may fishing ban.

Sinabi ng mga otoridad ng Taiwanese na inalerto sila ng kapitan ng nahuling fishing vessel na may dalawang CCG officers na sumakay sa kanilang fishing boat.

Sinubukan pa silang i-rescue ng Taiwanese Coast Guard pero nabigo sila dahil sa papalapit na apat pang barko ng Chinese Coast Guard.