International News
Taliban, pinayagan nang makapag-aral ang mga kababaihan sa Afghanistan
Pinayagan na ang mga kababaihan sa Afghanistan na makapag-aral sa mga unibersidad batay sa bagong Higher Education minister ng Taliban.
Pero ayon kay minister Abdul Baqi Haqqani, dapat hiwalay ang silid-aralan ng mga babae sa mga lalaki at dapat sundin ang Islamic dress code.
Tuturuan din ang mga babaeng estudyante ng mga babaeng guro.
Marami naman raw ang bilang ng mga babaeng guro kaya wala nang problema dito ayon pa kay Haggani.
Ayon naman sa mga Taliban officials, makakpaag-aral at trabaho ang mga kababaihan nang naaayon sa sharia law at lokal na tradisyon pero striktong ipapatupad ang dress rules.
Continue Reading