International News
Tatay, pinigilan ang isang babaeng naghubad sa eroplano at nagtangkang pumasok sa cockpit
Isang tatay ang naging bayani matapos nitong mapigilan ang isang babaeng kapwa pasahero nito na naghubad at nagtangkang pasukin ang cockpit, habang nagsisisigaw ng “Allahu Akbar”.
Kinila ang tatay na si Phillip O’Brien, 35 taong gulang at may 3 anak. Tinulungan din ni O’Brien ang crew membera ng eroplano na itali sa upuan.
Napag-alamang ang eroplano ay byaheng Manchester mula Cyprus.
Ayon sa ulat, sinabi umano ng babae na may bomba sa eroplano at tinanong pa ang mga kasamang bata kung handa na ba silang mamatay.
Ang babaeng pasahero na tinatayang nasa 30 taong gulang, ay nagsabi rin umano na ang kaniyang mga magulang ay miyembro ng teroristang grupo na ISIS.
Kasama naman ni O’Brien ang kaniyang asawa, at 3 anak na 8 to 14 years olds.
Ayon kay “O’Brien, “Everything was normal and then shortly after take-off a woman walked up the aisle naked and banged on the cockpit door shouting ‘Allahu Akbar’.
“As you can imagine everyone was shi**ng themselves.”
Tinanong umano ni O’Brian ang babae kung bakit niya nagawang maghubad at bakit sinasabi niyang may bomba sa eroplano, sumagot umano ang babae na, “If I didn’t there’s going to be an explosion and everybody is going to die”.
Dito na nagpasya ang piloto na i-divert ang ruta ng eroplano papuntang Paris upang makababa ang babae.