International News
“The human toll was tremendous,” bilang ng namatay sa US patuloy na tumataas dahil sa Hurricane Ida
Kahapon, Setyembre 5, patuloy na tumataas ang bilang ng namatay dahil sa Hurricane Ida, habang umaasa pa ang mga tao sa US Northeast na mahahanap pa ang mga “missing people” sa floodwaters.
Mayroong ring 600,000 customers sa Louisiana na walang kuryente, isang linggo matapos mag-landfall ang bagyo.
Dumating ang Hurricane Ida, na isang Category 4 hurricane sa Louisiana noong Agosto 29 na may sustained winds ng 150 m/h (240 km/h), ang latest death toll doon ay umabot na sa 13 nitong Linggo.
Base sa updated numbers, kahit humina na ang bagyo habang gumagalaw ito patungong north, nagdala pa rin ito ng flash flooding sa East Coast, kung saan halos 50 ang namatay, ayon sa ulat ng Rappler.
Batay kay Governor Kathy Hochul, mahigit $50 milyon ang naidulot na pinsala ng Hurricane Ida na may record-breaking rainfall na 3.1 inches per hour na naitala noong Miyerkules sa New York City’s Central Park.
“The human toll was tremendous,” pahayag ni Hochul batay sa ulat ng Reuters.
“One woman wept in my arms, an 89-year-old woman. She had nothing left after living in that home for over 40 years,” dagdag niya.
Mayroong kabuuang 17 kumpirmadong namatay sa New York, apat sa Westchester County, at 13 naitala sa New York City.
Karamihan sa mga nabiktima ay na-trap sa illegal basement apartments. Ito daw kasi ang natitirang affordable options para sa mga low-income residents sa area, sinabi ng spokesperson ng governor.
Sa New Jersey naman, mayroong 27 kumpirmadong storm deaths at apat ay nanatiling nawawala, batay sa spokesperson ni Governor Phil Murphy.
May iba ring naitalang storm deaths, isa sa Connecticut, apat sa Pennsylvania, at isa sa Maryland.
Samantala, tumaas din ang bilang ng namatay sa Gulf Coast state, ayon sa governor ng Louisiana noong Sabado na umabot sa 13.
Apat sa mga namatay sa Louisiana ay ng dahil sa carbon monoxide poisoning mula sa power generators, batay sa officials.
Na-paralyze rin ng Ida ang US Gulf of Mexico oil production, 88% ng crude oil output, at 83% ng natural gas production ay nanatiling suspended nitong Linggo.
(Reuters)