International News
Tiyan ng buntis hiniwa para nakawin ang di pa naisisilang na sanggol
Wala ng buhay nang madatnan ang isang Mexicanang buntis matapos umanong hiwain ng dalawang suspek ang kanyang tiyan nitong Lunes.
Batay sa pulisya, walong buwan na buntis ang biktima nang ma-kidnap ng dalawang suspek na babae at lalaki.
Sinasabing, hiniwa mga salarin ang tiyan ng buntis at kinuha ang fetus na nasa sinapupunan saka itinapon ang kanyang katawan sa Medellin del Bravo sa Veracruz.
Kaagad namang naaresto ang dalawang suspek at nakuha mula sa mga ito ang ninakaw na fetus ayon sa opisina ng attorney general sa Veracruz.
Saad ng mga salarin sa otoridad, hiniwa nila ang tiyan ng biktima para kunin ang fetus dahil hindi makaanak ang babaeng suspek.
Sa pamamagitan ng social media, pinangakuan ng mga salarin ang biktima ng mga damit para sa kanyang sanggol.
Napag-alaman na ito na ang ikatlong kaso ng ganitong uri ng pangyayari sa lugar.
Sa datos, higit-kumulang 3,700 na kababaihan na ang nasawi sa karahasan sa Mexico noong 2021.
via Raven Flores, trainee