Connect with us

International News

Travel ban sa South Korea ipinatupad sa Pilipinas dahil sa banta ng COVID-19

Published

on

Photo| Cosmo.ph

Nagpatupad na ng travel ban ang bansa sa ilang bahagi ng South Korea at pinagbawalan ang mga pinoy na pumunta sa mga bansa sa East Asian dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng nakamamatay na novel coronavirus (COVID-19).

Pahayag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo ngayong Miyerkules sa isang Inter-Agency Task Force ng umuusbong na nakakahawang sakit, aprobado na ang ban ng mga biyahe mula sa North Gyeongsang province ng South Korea at agad itong ipapatupad.

Sinabi rin nito na hindi rin papayagan ang mga turistang pinoy na lumipad sa buong South Korea.

Ani Panelo, hindi kabilang sa travel ban ang mga permanenteng residente, mga aalis para mag-aral at mga Overseas Filipino Workers sa naturang bansa na may pirmadong deklarasyon na magpapatunay na alam nila ang panganib na maaaring mangyari sa kanilang pagbiyahe sa lugar.

Magsasagawa rin aniya ang IATF ng risk assessment sa ilang parte ng nasabing bansa sa loob ng 48 oras para mapag-aralan kung dapat ban a palawakin ang travel ban.

Source: https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/727406/philippines-imposes-travel-ban-on-south-korean-province-due-to-covid-19/story/