International News
TRUMP, GUSTO NG “EXCLUSIVE RIGHTS” SA BAKUNA LABAN SA CORONA
Pagpupulungan at masinsinang pag-uusapan ng mga opisyal ng Germany ang umano’y tangka ng Estados Unidos na angkinin ang karapatan sa vaccine laban sa corona virus na ginagawa ng isang German na kumpanya ng gamot.
Kinumpirma ni Interior Minister Horst Seehofer ang pagtatangka ng administrasyong Trump na makuha ang eklusibong karapatan sa gamot na gawa ng CureVac na isang German biopharmaceutical firm. Ayon kay Seehofer, “(I) heard from several other members of government today that is the case.”
Iniulat ng pahayagang Welt am Sonntag ng Germany na maliban sa exclusive rights, nais din umano ng pamahalaan na ilipat sa Estados Unidos ang patuloy na pananalikisk at pagpapa-unlad ng nasabing bakuna. Nais din umano nilang gawing “only for the USA,” ang bakuna.
Dagdag pa ni Seehofer, pag-uusapan ang isyung ito sa Lunes, sa regular na pagpupulong ng kanilang coronavirus crisis committee meeting, kung saan kasama rin ang mga kinatawan ng health ministry at ng tanggapan ni Chancellor Angela Merkel.
Ang CureVac na matatagpuan sa Tübingen, Germany ay patuloy namang naninindigang ang coronavirus vaccine na kanilang ginagawa “to help and protect patients worldwide.”
Sa isang opisyal na pahayag ng CureVac, sinabi nilang ang kanilang kumpanya ay patuloy ang pakikipag-usap sa iba’t-ibang samahan, maging sa mga kinauukulan sa lahat ng panig ng mundo. Dagdag pa nila, “(we) abstains from commenting on speculations and rejects allegations about offers for acquisition of the company or its technology.”
Pinabulaanan naman ito ng White House, subalit isang opsiyal na piniling huwag magpakilala, ang nagbahaging madalas umanong makipagpulong ng pribado si Trump kung saan maging ang staff niya ay walang kaalam-alam.. Dahi ditto, hindi umano nila maaring kumpirmahin kung may naganap ngang pag-uusap hinggil sa gamot ng CureVac.
Source:
www.washingtonpost.com