Connect with us

International News

TSINA, Inalmahan ang Pakikialam ng US sa isyu ng South China Sea

Published

on

Image |© AP Photo/Li Gang/Xinhua

Inalmahan ng Chinese Embassy ang pakikialam ng United States sa isyu ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.

“The United States is not a party to the South China Sea issue. Fanning flames and provoking confrontation in the region will only serve the selfish interests of individual country and undermine regional peace and stability,” tweet ng Chinese Embassy.

Ito ay matapos magpahayag ng suporta ang US sa protesta ng bansa laban sa China matapos mamataan ang higit sa 200 barko nito sa Juan Felipe Reef na sakop ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

“Both China and the Philippines are sovereign and independent countries. We have the will, wisdom and ability to properly handle relevant issues through bilateral channels,” giit ng embahada.

Nanatili pa rin ang 183 barko sa nasabing bahura ayon sa militar.

Una nang pinabulaanan ng China na “maritime militia” ang mga barko sa Juan Felipe Reef.

Anila, ang mga ito ay mangingisda na kumakanlong lamang sa bahura dahil sa sama ng panahon.

Naghain na ng diplomatic protest ang bansa nitong Linggo.

Article: REMATE