International News
Turistang nagse-selfie, patay nang mahulog sa waterfall sa Thailand
Patay dahil sa pagse-selfie ang isang turista mula France makaraang mahulog ito sa waterfall sa Ko Samui, Thailand.
Batay sa ulat, ang 33-taong-gulang na lalaki ay namatay nitong Huwebes matapos siyang madulas at bumagsak mula sa Na Mueang 2 waterfall, parehong lugar kung saan namatay din ang isang turistang Espanyol noong Hulyo.
“It took multiple hours to reach the body because the site was very slippery and steep, his friend said he was trying to take a selfie and then he slipped and fell,” pahayag ni Lieutenant Phuvadol Viriyavarangkul.
“The spot is roped off and has a sign warning hikers of the danger,” dagdag pa ni Viriyavarangkul.
Samantala, ayon naman sa pag-aaral ng India’s Journal of Family Medicine and Primary Care, umabot na sa 259 katao sa buong mundo ang namatay habang kumukuha ng selfies mula Oktubre 2011 hanggang Nobyembre 2017.
Ang pinakamataas na bilang ng mga insidente ng pagkamatay na nauugnay sa selfie ay naiulat sa India, sinundan ito ng Russia, Estados Unidos at Pakistan.