Connect with us

International News

Tweetdeck outage, nararanasan sa ilang bansa

Published

on

Kinakaharap ngayon ng Twitter ang isang global outage problem na nakakaapekto sa mga users ng mobile at web platforms.

Nakararanas ng malawakang problema ang dashboard management app ng Twitter na TweetDeck ngayong Miyerkules. Mayroon umanong Tweetdeck outage sa ilang bansa.

Kanina lamang umaga ay hindi na maka-login sa dashboard ang mga users.  Nire-redirect umano sila sa mobile site ng nasabing social media platform. 

Habang isinusulat ang balitang ito, mahigit 4200 na ang natanggap na ulat ng Outage.Report mula sa mga miyembro na naapektuhan ng outage.

Nagpalabas ng tweet ang kumpanya na nagsasabing: “You might have had trouble Tweeting, getting notifications, or viewing DMs. We’re currently working on a fix, and should be back to normal soon“. Hindi sila nagbigay ng dagdag na detalye tungkol sa isyu.

Samantala, sinabi naman ng isang kinatawan ng Twitter na ang kumpanya ay nagsasagawa na ng imbestigasyon tungkol sa mga isyu sa TweetDeck, na syang ginagamit ng mga reporter at content creators upang mag-monitor ng mga tweets gamit ang maraming Twitter accounts.

We are aware of issues with Tweetdeck and are investigating. Will circle back when we have more to share,” ani ng spokesperson ng Twitter sa isang interview

Nararanasan ang nasabing outage sa iba’t ibang bahagi ng mundo tulad  na lamang ng US East Coast, Europe at Philippines. 

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na official statement ang Twitter tungkol sa kung bakit nagkaroon ng TweetDeck outage sa ilang bansa, at kung kailan ito maaayos.


Instagram’s latest assault on Snapchat is a messaging app called Threads